Kagandahan ng Tula
- Felizity Gonzales
- Nov 6, 2018
- 1 min read
Updated: Nov 7, 2018
Ang kariktan ng paggawa ng tula ay naipa-pahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng mga salita.

Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
Sa panahon ngayon ang ilang mga kabataan, na kadalasan ay mga dilag, ay idinadaan ang kanilang mga nararanasan o nararamdaman sa buhay, ang kanilang hinanakit o kasiyahan sa pamamagitan ng tula.
At bilang isang dilag na mayroon nang mga naipon na tula, nais kong ibahigi ito sa iba upang maikalat ang mga tumatak sa akin na mga pangyayari na ipinaranas sa akin ng Diyos na Kaniyang ginawa ay upang maihayag Niya ang mga aral na dapat kong malaman sa buhay upang lumago at mas tumibay pa ang aking pananampalataya sa Kaniya

Kay ganda ng iyong mithiin! Nawa ay makaimpluwensya ito ng maraming kabataang gaya mo.