Unang Tula: "Muling Pagbalik"
- Felizity Gonzales
- Nov 7, 2018
- 2 min read
Kay hirap gumawa ng tula
Nang hindi mo alam kung ano ba ang nais ipadama
Ni hindi ko nga alam kung ano bang gagawing paksa
Pero ang gusto ko lang, maibahagi ang aming istorya.
Saya, yan ang unang naranasan nang Siya ay makilala
Sayang di mabatid, sayang di maipaliwanag
Kasiyahang alam mong Siya lang ang makapagbibigay
Kasiyahang nais mong maranasan pang habang buhay.
Sa tuwing kinakausap ko Siya, talagang mapapangiti na lang ako
Yung ngiting magkabilang tainga ang abot, At sa mukha'y tila ba nakapako
Lahat ng pangangailangan ko, ibinigay Niya
Tuwa, aruga, at syempre ang walang kapantay na pagmamahal na nagmumula sa Kaniya.
Kinalaunan, tila ba nagiba ang ihip ng hangin
Tila ba unti-unti nang nanlabo ang pagtingin
Sapagkat damdamin ko'y nag-iba ang naisin
Mga naisin na hindi Mo nakaplanong ibigay, kaya't napagdesisyunan kong ang piling Mo'y lisanin.
Iyong naranasan mula sa akin ang pait
Ang isinukli ko sa bawat pagmamahal na iyong ibinigay ay sakit
Ngunit kahit sa kabila ng aking nagawa, sabi Mo'y sa puso Mo ako'y walang kapalit
Pero ang ginawa ko'y iniwan ka at laman ng puso'y hindi na Ikaw, pinagpalit.
Iba ang kapiling, ngunit Ikaw ang nasa isip
Napagtanto na tama ang kasabihan, na nasa huli ang pagsisisi
Dahil sinayang ko ang kaisa-isang nagmamahal sa akin ng tunay
Sinayang ko ang kaisa-isang nagbigay kulay sa aking buhay.
Kaya naman muling bumalik, sinusubukang bumalik
Tumatakbong pabalik, ngunit natigilan at napaisip
May babalikan pa ba ako?
O sinukuan Mo na ako at pag-ibig sa akin ay tuluyan nang naglaho?
Napapikit ng mariin
Ano na nga bang gagawin?
Ngayon wala nang nagmamahal sa akin
Na tulad mong tapat at walang alanganin.
Pero may bigla akong nadinig
Na tila ba pag-asa at pangalawang pagkakataon ang dala nitong tinig
Naghanap-hanap ako kung saan ba nanggagaling
At doon nakita Ka, nakatayo, naghihintay.
Tumakbo ako papunta sa Iyo
At isang malaking yakap ang pinansalubong Mo
"Ama, patawad dahil tinalikuran kita, patawad at ang atensyon ko'y nabaling sa iba, patawad at kinalimutan kita, patawad dahil iniwan kita"
Katagang aking nabanggit habang sa Iyo ako'y nakayakap ng mahigpit
Muli kang bumigkas, at sinabi
"Anak, pinapatawad na kita, narito lang naman Ako, nagbabantay, nag-iintay sa'yo, salamat at muli kang bumalik, huwag na huwag ka nang kakawala sa yakap ng aking bisig"
Ako'y napaluha, at sa Iyo'y napakapit
Sa aking pagbabalik, sa bisig mo'y di na kakawala pa
Sa aking pagbabalik, sisiguraduhing Ikaw lang ang paghahariin sa puso at buhay, wala nang iba pa
Sa aking pagbabalik, ang itatatak sa isipan ay Ikaw lamang Ama
Sa aking pagbabalik, sa piling Mo'y hindi na babalaking lilinasin pa.
You are blessed by our most high GOD. Soar high and glorify HIM with the works of your hands..
Nakakablessed ang buhay mo felicity..
C Lord lang sapat na.. Nice one..
Layunin ng manunulat na makuha mo ang puso ng mambabasa nito.
Mahusay!
Tinamaan ako, sapul pa! relate too much mahal kong pamangkin.
Salamat sa Panginoon sa karunungan na ipinagkakaloob Niya sa'yo. Ito'y isa sa mayamang biyaya na kanyang kaloob. Patuloy gamitin para sa kanyang kapurihan. Maging daan ito para maibahagi at maranasan ng iba ang tunay na pag-ibig na Diyos.
Patuloy mo lang hanapin ang kaligayahan sa Kanya, at ang pangarap Niya para sa'yo ay iyong makakamtan (Kawikaan 37:4)
God bless you Felizity. We missed and we love you.. 😍
Thanking the Lord for your Heart. ♥️. Such a blessing ! .
Trully, kahit ilang beses tayong madapa, He is always there to lift us up.
He sees and knows ang hearts.
Thank you for this great reminder dear. More of this please. God loves you princess.
Congratulations 🎉💐