Magandang Aral sa Unang Tula
- Felizity Gonzales
- Nov 7, 2018
- 1 min read
Ang unang tula na aking pinamagatan na "Muling Pagbalik" ay pumapatungkol sa pagbalik ng isang tao sa piling ng Diyos matapos siyang makaligtas mula sa bingit ng pagbitaw sa ating Panginoon.
Unang mahalagang aral na maaring mapulot ninyong mga mambabasa ay ang pagkapit ng mahigpit sa ating Panginoon sa kabila ng ating mga nararanasang problema na nagiging dahilan natin upang mawalan ng pag-asa sa buhay. Dapat nating malaman na ang mga problemang ating kinakaharap sa buhay ay paraan ng ating Ama upang mas tumibay pa ang atng pananampalataya sa Kaniya.
Pangalawang magandang aral, ang Diyos ay palaging naririyan sa ating tabi at kahit ilang beses pa natin Siyang iwan, kalimutan at saktan, hindi Niya tayo iiwan. Kaya't kung sa tingin mo na iniwan ka na ng lahat, tinalikuran ka na ng mundo at wala ng nagmamahal sa iyo, lagi mong tatandaan nadiyan ang ating Ama, he's only one call away.
at isang paalala, kapag tayo'y bumalik na sa Kaniyang piling siguraduhin na natin na tayo'y hindi na kakawala, siguraduhing Siya lamang ang pagha-hariin sa puso at buhay, wala ng iba pa, itatak sa isipan na Siya lang ang nag-iisang Ama at huwag na huwag nang magbalak na lisanin pa ang pinakamasarap na lugar... Ang piling ng ating Ama.
Amen anak, Glory to God. dahil tunay na tapat si Lord sa Kaniyang mga Pangako. Ituloy mo lang yan anak, ang pagtahak ng daan na laging kasama si Ama ntin. I am so proud of you anak.
Wait, comment lang ako
Ay ito na pala😅
HAHHAHA😂
Wow! Ganda naman, nice one!
ang gandaaa, nice!!